Force Multipliers at Women’s Brigade, nakilahok sa Self-Defense at First Responders Essentials Training

Nakilahok ang mga miyembro ng La Trinidad Women’s Brigade, CCAT, at La Trinidad Anahaw Force Multipliers sa isang makabuluhang pagsasanay sa Self-Defense at First Responders Essentials Training na ginanap sa MDRRM Building La Trinidad, Benguet nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station na nilahukan ng mga miyembro ng nasabing force multipliers mula sa 16 Barangay ng munisipalidad ng LA Trinidad.
Kabilang sa serye ng pagsasanay ang isinagawang talakayan ni PSSg Jefferson Cadap (Atty.) sa paksang First Responders Essentials na tumalakay sa tamang hakbang sa pagtugon sa mga emergencies at mga legal na responsibilidad ng mga first responders, at pinangasiwaan naman ni PEMS Arnold Danggan at iba pang kapulisan ang aktwal na pagsasanay sa Self-Defense upang lalong mahasa ang kakayahan sa pagtatanggol sa sarili.
Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month, na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad, itaguyod ang kapayapaan, at isulong ang sama-samang pagtugon sa mga isyung panseguridad at panlipunan.
Ito rin ay naglalayong mapabuti at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa loob ng kanilang barangay.
Patuloy naman ang PNP at mga force multipliers sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo para sa kapakanan at kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba mas pinapalakas ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna o krisis at patatagin pa ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.


