Serbisyo Caravan at Kadiwa Program, idinaos sa Biliran
Nakiisa ang Local Government Unit ng Biliran sa idinaos na Serbisyo Caravan at Kadiwa Program sa Biliranon Pulis Multi-Purpose Hall, Camp Private Andres P. Dadizon, Naval, Biliran nito lamang Martes, ika-15 ng Hulyo 2025.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ng Biliran Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Erwin I Portilli, Provincial Director na pinarangalan ni Hon. Rogelio J. Espina, MD, FPOA, Gobernador ng Lalawigan ng Biliran, na mahusay na nirepresenta ni Hon. Miguel J. Casas Jr., Board Member ng 1st District ng Biliran.
Nakilahok rin ang mga partner agencies kabilang ang LTO-Naval District Office, Department of Health-Biliran, Office of the Provincial Agriculturist, TESDA Provincial Training Center-Biliran, Provincial Health Office at TESDA-Cabucgayan National School of Arts and Trade.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok sa aktibidad ang Libreng HIV Testing, Random Blood Sugar Testing, Urinalysis, Libreng Dental Cleaning, Libreng Pneumococcal Vaccination, Massage Therapy, Skills Training on Flambe and Skirting, TESDA Program Enrollments, LTO Information Dissemination, at ang mga abot-kayang produktong pang-agrikultura sa pamamagitan ng KADIWA Program.
Sa mensahe ni Hon. Casas Jr., pinuri niya ang BPPO para sa kanilang proactive approach sa pagpapaunlad ng community empowerment sa pamamagitan ng accessible services, “Ang programang ito ay isang testamento sa kung ano ang maaari nating makamit kapag ang mga ahensya ng gobyerno ay nagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga tao,” aniya.
Ang makabuluhang aktibidad ay muling nagpapatibay sa patuloy na pakikipagtulungan ng PNP at ng mga katuwang na ahensya sa pagtataguyod ng holistic community development, pagtiyak ng tiwala ng publiko, at pagpapatibay ng mahalagang koneksyon sa pagitan ng pulisya at ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.