Advocacy Support Group, nakiisa sa Mobile Blood Drive sa Ormoc City

Matagumpay na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Mobile Blood Drive sa SM Center Ormoc City nito lamang Huwebes, ika-17 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Eastern Visayas Medical Center Blood Bank, Philippine Red Cross Ormoc Chapter at Ormoc Tandaya Eagles Club kasama ang mga tauhan ng Ormoc City Medical and Dental Team sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Marvin C Pedere, Officer-in-Charge.

Tinatayang nasa kabuuang 15-unit ng dugo ang matagumpay na nakolekta sa kaganapan.

Samantala, nagpapasalamat naman ang grupo sa aktibong partisipasyon ng mga dedikadong boluntaryo at mapagbigay na donor.

Ang marangal na hakbangin ay naglalayong isulong ang diwa ng volunteerism at community service sa mga residente ng Ormoc City sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kwalipikadong donor na tumulong sa pagsagip ng mga buhay sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *