Barangay-Based Group sa Alicia, Isabela, napalawig ang kaalaman

Napalawig ang kaalaman ng mga miyembro ng Barangay Based Group sa kanilang pakikibahagi sa isang Training Program na naganap nitong Hulyo 16, 2025 sa Brgy. Burgos, Alicia, Isabela.
Nagbigay ng makabuluhang lecture ang mga kapulisan ng Alicia Police Station, sa pamumuno ni Police Major Felix Mendoza, OIC, tungkol sa Republic Act 9262 na nakakasakop sa pang-aabuso o karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang anak.
Aktibong nakibahagi sa talakayan ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa lahat ng Barangay na nasasakupan ng nabanggit na bayan.
Layunin ng aktibidad na mapalawig ang kaalaman ng mga miyembro ng BPATs at palakasin ang ugnayan ng kapulisan at ng Advocacy Support Groups sa kanilang nasasakupan.
Source: Isabela PPO