MDRRMO Equipment and Knowledge Exhibit 2025, isinagawa sa Occidental Mindoro

0
viber_image_2025-07-18_11-54-24-370

Nagsagawa ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Equipment and Knowledge Exhibit bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month sa Brgy. Anticala Occidental Mindoro nito lamang Hulyo 16, 2025.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang mga personnel ng 2nd OMPMFC.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na tanggapan. Ito ay naging patunay ng matibay na pagkakaisa at kolektibong adhikain ng bawat sektor tungo sa pagbuo ng isang mas matatag, ligtas, at handang komunidad sa harap ng mga sakuna, kalamidad, at iba’t ibang hamon ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng naturang gawain, naipakita ang kahalagahan ng kaalaman, kahandaan, at koordinasyon upang epektibong maharap at mapaghandaan ang anumang uri ng panganib na dulot ng natural at human-induced hazards. Isa rin itong oportunidad upang mas mapalalim ang ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa panahon ng emergency.

source: 2nd Occi. Mindoro PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *