Native Chicken Production Seminar, matagumpay na idinaos sa Libon, Albay

Matagumpay na naisagawa ang Native Chicken Production Seminar ng 1st PMFC sa pamumuno ni PMSg Carlo A Lana, TL sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL JONATHAN S ALAYAN, Force Commander sa pakikipagtulungan sa Albay Provincial Veterinary Office para sa mga miyembro ng Macabugos Industrious Women’s Association (MIWA) nito lamang July 15, 2025, sa Barangay Chapel, Brgy. Macabugos, Libon, Albay.
Dalawampung aktibong miyembro ng MIWA ang dumalo at nakibahagi sa seminar na naglalayong magbigay ng tamang kaalaman sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga native chicken na ipinagkaloob ng tanggapan.

Sa pamamagitan ng seminar na ito, nadagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kababaihan sa wastong pamamaraan ng pag-aalaga, pagpaparami, at pagnenegosyo ng native chicken, na inaasahang magdudulot ng dagdag na kita at tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisakatuparan dahil sa suporta ng Barangay Council sa pamumuno ni Hon. Eddie D. Clemen, Punong Barangay, at ni Hon. Ed Shene Mae Ropio, SK Chairperson, na buong puso ring nagpaabot ng tulong at suporta para maging maayos at matagumpay ang nasabing gawain.

Lubos naman ang pasasalamat ng R-PSB Team Macabugos sa mga bumubuo ng Albay Provincial Veterinary Office, Barangay Council, at Sangguniang Kabataan ng Macabugos sa kanilang walang sawang malasakit at suporta sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kababaihan sa ating barangay.
Ang aktibidad ay patunay ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad para sa pang-matagalang kaunlaran at pag-asenso ng mga mamamayan.
Source: R-psb Macabugos
Writer: PCpl Doxie Charesse C Casa