Outreach Program, isinagawa sa Rodriguez, Rizal

Matagumpay na naisagawa ang isang outreach program sa pagtutulungan ng Rizal Provincial Mobile Force Company (RPMFC) at ng iba’t ibang mga Advocacy Support Group nito lamang ika-16 ng Hulyo 2025 sa Barangay Maglipit, Rodriguez, Rizal.

Kasama sa aktibidad sina Gng. Riza O. Baldo, kinatawan ng Community Sector Advisory Council ng RPMFC; Gng. Ruby Ambayon, Tagapagtatag ng Good Hearts Foundation; G. Fernando Grasparil Laguda, miyembro ng Board of Directors; at G. Floyd Pascua, Pangulo ng Solid Aces Grand Engles Club. Sama-sama nilang ipinamahagi ang mga bagong mesa, laruan, gamot, bag, at mga pagkain sa mga bata ng Daycare Center sa nasabing barangay.

Hindi lamang mga pangunahing pangangailangan ang naibigay ng aktibidad na ito, kundi pati saya at tuwa sa mga batang tumanggap ng mga donasyon. Layunin ng inisyatibang ito na suportahan ang maagang edukasyon ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maayos, kaaya-aya, at child-friendly na kapaligiran sa pagkatuto.

Ang gawaing ito ay patunay ng tunay na malasakit ng PNP at ng mga katuwang nitong organisasyon sa kapakanan ng kabataan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *