Barangay Health Workers, aktibong nakibahagi sa community dialogue ukol sa Anti-Criminality Campaign sa Indang, Cavite
Aktibong nakibahagi sa Community Dialogue ang mga barangay health workers na isinagawa ng mga tauhan ng Indang Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite nito lamang ika-16 ng Hulyo 2025.
Tinalakay sa dialogue ang mga mahahalagang isyu tulad ng mga paraan upang maiwasan ang krimen, ang kahalagahan ng agarang pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad, at ang pagbubuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan. Bilang mga itinuturing na frontliners sa barangay, hinihikayat ang mga BHWs na maging katuwang ng PNP sa pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon hinggil sa mga hakbang kontra-kriminalidad.
Ang ganitong mga gawain ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Pambansang Pulisya upang palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan at mapanatili ang isang ligtas at mapayapang pamayanan.