KKDAT at Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Force Multiplier sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Garden Covered Court, Arteche, Eastern Samar nito lamang Sabado ika-19 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 801st Maneuver Company, RMFB8 sa pamumuno ni Police Major Leslie R Lalic, Acting Company Commander sa pakikipagtulungan ng Arteche Rural Health Unit, Barangay Officials at miyembro ng KKDAT ng nasabing lugar.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang parlor game para sa mga kalahok, lalo na sa mga bata, upang magdala ng saya at magsulong ng pakikipagkaibigan.

Ang outreach program ay nag-aalok ng libreng gupit, isang feeding program, pagbibigay ng school supplies at tsinelas, blood pressure check up, at pagbibigay ng food packs.
Ang aktibidad ay naglalayong suportahan ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo, pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan, at pagbuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP at ng komunidad.
Nagsilbi rin itong paraan upang hikayatin ang pagkakaisa at pagtutulungan, lalo na sa mga kabataan at mga pinuno ng naturang barangay.