Pampasaherong bus at truck, nagsalpukan sa Bayan ng Mamburao  

Iang vehicular accident ang naganp sa Sitio Mabuhay, GCFI, Barangay Tayamaan sa bayan ng Mamburao ngayong umaga, ika-20 ng Hulyo Taong kasalukuyan. Lulan ng nasabing aksidente ang isang pampasaherong bus at isang truck na pinagkakargahan ng mga isda.

Kaagad na rumesponde ang mga kawani ng Philippine National Police at mga opisyales ng Barangay Tayamaan sa nasabing insidente upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar

Ayon sa paunang ulat, lumampas sa linya ang nasabing truck at nag-overshoot sa kasalubong na pampasaherong bus. Agad nirespondehan ng ating Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) – Mamburao ang nasabing insidente. Agad namang naisugod ng MDRRMO Mamburao sa pinaka-malapit na Hospital ang dalawang biktima kabilang na ang driver at pahinante ng nasabing truck dahil sa mga natamong sugat dulot ng aksidente. Samantala, nagbigay ng paunang lunas ang PDRRMO sa iba pang pasahero na nagtamo ng minor injuries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *