Barangay-Based Advocacy Group, umiigting ang papel sa pagsusulong ng kapayapaan at kaligtasan

Matagumpay na nakiisa ang barangay-based advocacy group ng Barangay San Andres, Santiago City sa pamumuno ni Hon. Perla E. Elcid, Punong Barangay, sa ginanap na talakayan hinggil sa mahalagang papel ng grupo sa pagsusulong ng crime prevention at public safety nito lamang ika-21 ng Hulyo 2025.
Ang naturang talakayan ay pinangunahan ni PSSg Michelle N. Sudaria ng Community Affairs and Development Unit (CADU) na nagbahagi ng isang information dissemination ukol sa mga tip para maiwasan ang krimen at mapanatili ang seguridad.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng barangay-based advocacy group bilang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Sa tulong ng nasabing grupo, naging mas epektibo ang paghahatid ng impormasyon sa mga residente. Bukod sa pagiging tagapag-ugnay sa pagitan ng PNP at mamamayan, sila rin ang nagsisilbing boses ng komunidad sa pagsusulong ng mga adbokasiyang pangkapayapaan.
Patuloy ang pakikisa ng barangay-based advocacy groups sa programa ng kapulisan upang ang ugnayan tungo sa kapayapaan at kaayusan ay higit na mapagtitibay sa tulong ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.
Source: Santiago CPO