Community Engagement, isinagawa sa Tabaco City District Jail

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa makataong serbisyo at pagbibigay-suporta sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL), nagsagawa ng community engagement activity ang Albay Police Provincial Office (APPO) sa Tabaco City District Jail, Brgy. San Lorenzo, Tabaco City noong Hulyo 21, 2025.
Pinangunahan ito ni PMAJ DANTE S ROSAL, Acting Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang iba pang stakeholders tulad ng NAPOLCOM Albay, Tabaco City Police Station, Bureau of Fire Protection Tabaco, Regional Training Center 5, at LCC Tabaco.
Iba’t ibang uri ng tulong at mensahe ng pag-asa ang ibinahagi sa mga PDL bilang paalala na sila ay patuloy na bahagi ng komunidad.
Nagpahayag din ng mensahe si PCOL JULIUS CUBOS AÑONUEVO, Provincial Director ng Albay na hindi natatapos ang serbisyo ng pulisya sa pag-aresto lamang. Kabilang dito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga PDL na magbagong-buhay. Aniya nais nilang ipadama na may gobyernong handang sumuporta sa kanilang pagbabalik-loob sa lipunan.
Source: Albay Police Provincial Office