Inter-Agency Support Operation, nilahukan ng mga mag-aaral ng Gelino Elementary School sa Samar

ktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Gelino Elementary School sa isinagawang Inter-Agency Support Operation ng Revitalized-Pulis ng Barangay Helino Auxiliary at Security Team na ginanap sa Barangay Helino, Calbayog City, Samar nito lamang Martes ika-22 ng Hulyo 2025.
Ito ay inisyatiba ng Revitalized-Pulis ng Barangay Helino Auxiliary at Security Team sa pamumuno ni Police Lieutenant Jayson S Labordo sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Norwyne E Valenzuela, Officer-In-Charge.
Isinagawa sa aktibidad ang Inter-Agency Support Operation na nagtatampok ng lecture sa Republic Act No. 10627, na kilala rin bilang Anti-Bullying Act of 2013. Ito ay ginanap kasabay sa pagdiriwang ng Nutrition Month na naglalayong itaas ang kamalayan sa mga mag-aaral sa elementarya at kanilang mga magulang tungkol sa kahalagahan ng pagkilala at pagpigil sa bullying sa mga paaralan.
Partikular na nakatuon ang panayam sa pagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas at sa mga responsibilidad ng mga paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at mga magulang, ang aktibidad ay nagtaguyod ng higit na kamalayan sa komunidad at binigyang-diin ang sama-samang papel ng mga tagapagturo, pamilya, at awtoridad sa pagtataguyod ng kapakanan at kaligtasan ng mga bata.