Kabuuang 3,089 family food packs, naipadala ng pamahalaang panlalawigan sa 5 Bayan sa Palawan

0
viber_image_2025-07-22_15-49-17-986

Naipadala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang kabuuang 3,089 Family Food Packs (FFPs) bilang augmentation support sa limang bayan sa lalawigan kabilang ang Culion, Busuanga, Roxas, El Nido, at Aborlan, na lubhang naapektuhan ng Bagyong Crising at habagat nitong mga nagdaang araw.

Ang pagkakaloob ng FFPs sa mga apektadong residente ay alinsunod sa direktiba ni Gob. Amy Roa Alvarez upang agarang maipaabot ang tulong sa mga nangangailangang mamamayan, at batay na rin sa kahilingan ng mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na bayan.

Naipadala na rin ngayong araw ang 384 FFPs para sa bayan ng El Nido gayundin ang 1,153 FFPs para naman sa bayan ng Aborlan.

Ang pamamahagi ng mga naturang FFPs ay isinasakatuparan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Palawan PNP katuwang din ang AFP sa pag hahakot at pamimigay ng nasabing food packs

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaña, ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak na agad na nararating ng tulong ang mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna.

ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng agarang tulong at suporta sa ating mga kababayan na naapektuhan ng paglikas, naputol o naantalang kabuhayan, at iba pang hirap dulot ng bagyo.

source: Palawan PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *