Mga residente, nakiisa sa Pulong-Pulong sa Cebu

Aktibong nakiisa ang mga residente sa Pulong-Pulong na ginanap sa Santa Fe Port sa Brgy. Talisay, Santa Fe, Cebu, noong ika-22 ng Hulyo 2025.
Isinagawa ito ng mga kapulisan mula sa Tourist Police. Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga isyung may kinalaman sa Anti-Terorismo, Anti-Ilegal na Droga, mga Safety Tips, at mga paraan ng Crime Prevention.
Isa sa mga pangunahing layunin ng aktibidad ay ang hikayatin ang mga residente at turista na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.
Pinayuhan din sila na agad i-report sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad upang maagapan ang banta mula sa mga lokal na grupong terorista.
Ang aktibong pakikilahok ng mamamayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pulong-pulong, mas napapalapit ang kapulisan sa komunidad. Naipapaliwanag nila nang mas maayos ang kanilang mga programa at mas nakikilala rin nila ang mga pangangailangan at saloobin ng mamamayan.
Nagiging tulay ito sa pagbuo ng tiwala at pakikiisa na susi sa epektibong pagpapatupad ng batas.