Bayambang Bayanihan Lions Club International, namahagi ng tulong sa mga apektado ng kalamidad

Noong Hulyo 27, 2025, namahagi ng tulong ang Bayambang Bayanihan Lions Club International sa mga apektadong residente ng Barangay Manambong Parte, Wawa, at Amanperez sa bayan ng Bayambang Pangasinan. Sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Engr. Eulito C. Junio, namahagi ang grupo ng mga relief goods bilang tugon sa pangangailangan ng mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

Bitbit ang diwa ng bayanihan at malasakit, personal na iniabot ng mga miyembro ng Lions Club ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, delata, noodles, at iba pang gamit sa araw-araw.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa ipinakitang malasakit at pagtulong ng organisasyon. Ayon kay Engr. Junio, patuloy ang kanilang adhikain na makapaglingkod at makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga panahong kagipitan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na serbisyo publiko ng Bayambang Bayanihan Lions Club International, bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayan.

Source: Balon Bayambang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *