BPATs, nakiisa sa pagbibigay ng Relief Goods sa mga naapektuhan ng Bagyong Emong

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong Emong sa mga residente ng Sitio Talingoroy, Wangal, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Zacarias Caloy P Dausen, Chief of Police katuwang ang mga tauhan ng Department of Social and Welfare Development – CAR.
Matagumpay na nakapagbigay ng 25 boxes ng relief goods ang mga grupo sa mga residente na naapektuhan ng nasabing bagyo.
Ang naipamahaging tulong ay naglalayong maibsan ang pasanin ng mga apektadong pamilya at matiyak na mapupununan ang mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng kahirapan.
Ang pinagsamang pagsisikap na ito ay nagpapakita ng diwa ng bayanihan at ng pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno, mga pinuno ng lokal na pamayanan at mga Advocacy Support Groups sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng mga sakuna.

