Estudyante ng Tagaytay City National High School, nakiisa sa Dayalogo/Talakayan ng Tagaytay PNP

Masugid na nakiisa ang mga estudyante ng Tagaytay City National High School sa isinagawang talakayan sa Tagaytay City National High School, Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City nito lamang Lunes, ika-28 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangunuhan ng tauhan ng Tagaytay Component City Police Station, sa direktang pangangasiwa ni PLtCol Jefferson Pispn, Acting Chief, kasama ang mga Grade 11 students ng nasabing paaralan.

Tinalakay ang Emergency Hotline 911, PNP Campaign Against Criminality, Drug Awareness at Safe Spaces Act (RA 11313).

Labis ang pasasalamat ng mga estudyante sa mga kaalaman kanilang nakuha sa talakayan na tiyak na makakatulong sa kanila.

Layunin nito ang mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa batas, krimen, karapatan, at insurhensya upang maiwasan ang pagiging biktima at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *