KKDAT, nakilahok sa Anti-Illegal Drugs Campaign sa Pinabacdao, Samar

Aktibong nilahukan ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang isinagawang Anti-Illegal Drugs Campaign na ginanap sa Brgy. Bangon, Pinabacdao, Samar nito lamang Hulyo 27, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Pinabacdao Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Nieto B Rarugal, Acting Chief of Police sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang tungkol sa Anti-Illegal Drugs, Bullying at R.A. 11313 Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) na dinaluhan ng mga kabataan ng iba’t ibang barangay ng nasabing munisipalidad.

Layunin ng programa na bigyang-kaalaman ang kabataan sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayating gumawa ng matatalinong desisyon upang makatulong sa pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *