Philippine Red Cross, nagsagawa ng Mobile Bloodletting Activity sa Tacloban City

Matagumpay na isinagawa ng Philippine Red Cross ang Mobile Bloodletting Activity sa Tacloban City Police Office Multi-purpose Hall, Paterno Ext., Tacloban City nito lamang Lunes, ika-28 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng medical professionals mula sa Philippine Red Cross, Divine Word Hospital at Tacloban City Police Office Station Health Unit Personnel.

Ang grupo ay nagtulungan upang matiyak ang isang ligtas at mahusay na proseso, pagsunod sa lahat ng kinakailangang mga protocol sa kalusugan at pagbibigay ng kaukulang paalala pagkatapos ng donasyon.

Ang kaganapan ay bahagi sa pagdiriwang ng 30th Police-Community Relations Month na may layuning alalayan ang mga residente na magkaroon ng sapat na supply ng dugo.

Samantala, hinikayat naman ng mga tauhan ng PNP na suportahan at aktibong makibahagi sa kanilang adbokasiya ng pagliligtas ng mga buhay sa pamamagitan ng donasyon ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *