Smart 20-1 Circle Toda, nakibahagi sa community dialogue ukol sa anti-criminality campaign

Aktibong nakilahok ang SMART 20-1 CIRCLE TODA sa isinagawang Community Dialogue ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station katuwang ang 80th Infantry Battalion ng Philippine Army na ginanap sa Extension, Barangay Dolores, Taytay, Rizal nito lamang ika-26 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay layong palakasin ang ugnayan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga miyembro ng transport sector, partikular na ang mga tricycle drivers at operators.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbangin upang maiwasan ang mga insidente ng kriminalidad, tamang pag-uugali sa lansangan, at ang kahalagahan ng pagiging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad. Bukod dito, naging bukas din ang mga miyembro ng TODA sa pagbabahagi ng kanilang mga hinaing at suhestiyon na maaaring makatulong sa kaayusan at katahimikan ng bayan.

Ang aktibong partisipasyon ng mga miyembro ng TODA ay isang patunay ng kanilang malasakit hindi lamang sa kanilang hanapbuhay kundi maging sa kaligtasan at kaayusan ng buong pamayanan. Sa pamamagitan ng ganitong mga dayalogo, lalong tumitibay ang pagtutulungan ng kapulisan at ng transport sector tungo sa isang mas ligtas at maayos na bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *