Mga residenteng mangingisda mula sa Barangay San Agustin at Barangay Bubog, pinagkalooban ng food packs

0
viber_image_2025-07-30_12-03-30-704

Nasa 300 pamilya mula sa Barangay Bubog at Barangay San Agustin ang napagkalooban ng relief food packs sa Brgy. San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro nito lamang Hulyo 29, 2025.

Ito ay mula sa maigting na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Eduardo B. Gadiano at ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA.

Samantala, personal na hinatid ng mga kawani mula sa Provincial Welfare and Development Office – SAMARICA, katuwang ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development kasama ang mga kawani mg Office of the Provincial Agriculturist-MIMAROPA, Provincial Veterinarian Office -SAMARICA (PVET), Philippine Coast Guard at Occidental Mindoro PNP, ang mga food packs na naglalaman ng agarang makakain katulad ng mga bigas, delata kape at iba pa. Ang pamamahagi ng foodpacks ay malaking tulong para sa mga kababayan nating mga mangingisda at mga naninirahan sa mga coastal barangay na matinding naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan na dala ng Habagat.

Ang patuloy na pagbibigay ng tulong at alalay sa ating mga kababayan na naapektuhan ng Habagat, lalong lalo na ang mga mangingisda na hindi nakapaghanapbuhay dahil sa malalakas na pag-ulan at alon sa karagatan, ay pagpapakita na ang ating gobyerno ay may malasakit at pang-unawa sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng sakuna.

Labis naman ang pasasalamat ng mga residente ng nasabing lugar sa kanilang natanggap na relief goods na kanilang magagamit sa pang araw-araw.

source: Occidental Mindoro PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *