Talakayan para sa Pagpapalakas ng Traffic Marshals Team, isinagawa sa Morong, Bataan
Bilang hakbang upang masiguro ang mas maayos at ligtas na daloy ng trapiko sa bayan ng Morong, Bataan, nagsagawa ng isang talakayan ang Office of the Human Resources at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nito lamang Martes, ika-29 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Human Resources at MDRRMO katuwang ang Traffic Marshals Team ng Morong, Bataan.
Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng mga traffic enforcers, pagbutihin ang pagbabantay at pagmamando ng trapiko, at masigurong ligtas at maayos ang biyahe ng bawat isa sa bayan.
Isa rin sa mga mahalagang hakbang na napagkasunduan ang malinaw na pagtatakda ng area assignment ng bawat marshal at ang pagpapabuti ng duty schedule.
Sa ganitong paraan, mas matutukan ang kanilang mga tungkulin at higit na mapapalakas ang seguridad ng mga motorista at pedestrian sa Morong.
Sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan, inaasahan na ang bagong binuong Traffic Marshals Team ay magiging mas maaasahan, mas disiplinado, at mas handa sa pagtugon sa iba’t ibang hamon sa kalsada.