Tree Planting Activity, isinagawa sa Bukidnon
Isinagawa ang Tree Planting Activity sa Purok 8, Managok, Bukidnon nito lamang ika-26 ng Hulyo 2025.
Aktibo ring nakilahok ang mga advocacy support groups, volunteers, Brgy. Officials, kabataan at mga residente ng nasabing lugar.
Sa nasabing aktibidad ay nakapagtanim ng nasa 250 seedlings.
Layunin nito na maipakita sa mga mamamayan, lalo na sa kabataan, ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
