Kapulisan ng Cam Sur, namahagi ng pagkain sa Tagbon ES sa bayan ng Goa, Cam Sur

0
viber_image_2025-08-01_15-13-50-111

Goa, Camarines Sur – Nagsagawa ng feeding program ang Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) para sa mga mag-aaral ng Tagbon Elementary School ng nasabing bayan noong Hulyo 30, 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may temang “Nutrisyong Sapat Para sa Lahat.”

Pinangunahan ang aktibidad ni PCOL VIRGILIO O OLALIA, JR., Provincial Director ng CSPPO, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si PLTCOL VENERANDO F RAMIREZ, Deputy Provincial Director for Administration (DPDA), kasama sila Hon. Raquel S. Lim, Mayor ng Goa, Camarines Sur, ilang miyembro ng kapulisan, mga guro, at kawani ng paaralan.

Namahagi sila ng pagkain sa lahat ng mga mag-aaral bilang bahagi ng layunin na itaguyod ang kahalagahan ng malusog na pagkain sa pisikal at mental na pag-unlad ng kabataan.

Ang feeding program ay hindi lamang pagtugon sa pansamantalang pangangailangan, kundi isang mensahe na ang nutrisyon ay isang pangunahing karapatan ng bawat bata.

Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang sa isinagawang programa. Itinampok nila ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at sektor ng edukasyon sa pagtataguyod ng kabuuang kagalingan ng komunidad.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng malasakit ng kapulisan sa mga mamamayan, lalo na sa kabataan, at ng kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibang pangkalusugan at pang-edukasyon.

Source: Camarines Sur PNP PRO5
Writer: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *