Salaam Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Dialogue

0
viber_image_2025-07-31_15-25-26-862

Bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng pulisya upang mapalalim ang ugnayan at pagtutulungan sa Muslim community, nagsagawa ng Community Dialogue ang Angono Municipal Police Station sa SALAAM Advocacy Support Group ng Angono nito lamang ika-29 ng Hulyo 2025 sa Angono Mosque sa Brgy. Kalayaan.

Pinangunahan nina PEMS Eric S. Florendo at PCpl Edward A. Mahusay ang naturang aktibidad na kung saan tinalakay ang mga hakbang upang maiwasan ang anumang uri ng diskriminasyon, at karahasan. Bukod dito, pinagtibay ng magkabilang panig ang kanilang panata na panatilihin ang pagkakaisa at katahimikan sa bayan ng Angono.

Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng PNP sa ilalim ng programang SALAAM (Support for Advocacy, Learning, and Advancement for Muslim Filipinos), na layuning itaguyod ang inklusibong pamumuno, respeto sa paniniwala, at pangmatagalang kapayapaan.

Ang matagumpay na aktibidad na ito ay isang patunay ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at ng Muslim community tungo sa isang mapayapa at nagkakaisang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *