Gift Giving/Relief Operation, isinagawa sa Camiling, Tarlac

0
524783642_1784866108780368_1910209710729726858_n

Matagumpay na isinagawa ang Gift Giving/Relief Operation ng Camiling Pride Association upang magbigay tulong sa mga residente na apektado ng nakaraang baygo sa Barangay Pindangan 2nd, Camiling, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-1 ng Agosto 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Arnel Limos, President, Camiling Pride Association katuwang si PEMS LemuelL Aguilar, Patrol Supervisor, Camiling Municipal Police Station sa direktang pamumuno ni Police Major Randy P Niegos, Officer-In-Charge.

Tiniyak ng Camiling PNP ang kaayusan at seguridad sa buong aktibidad upang masigurong ligtas at maayos ang daloy ng distribusyon.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, higit pang pinapatunayan ng Camiling PNP at iba’t ibang sektor ng lipunan ang kanilang taos-pusong paglilingkod para sa kapayapaan, kaayusan, at pagtulong sa komunidad, lalo na sa oras ng pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *