R-PSB Mabini, nakiisa sa Operation Timbang at Feeding Activity sa Jovellar, Albay
Muling ipinamalas ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team ng Brgy. Mabini sa Jovellar, Albay ang kanilang aktibong pakikiisa sa isinagawang Operation Timbang at Feeding Activity para sa mga batang residente ng barangay Mabini, katuwang ang Barangay Council, Barangay Health Workers at mga kinatawan mula sa Municipal Health Office nito lamang Agosto 2, 2025.
Layon ng aktibidad na masubaybayan ang kalagayan sa nutrisyon ng mga bata at agad matukoy ang mga nangangailangan ng kaukulang atensyong medikal o suporta.
Kasabay nito, namahagi rin ng masustansyang pagkain ang R-PSB Mabini at mga partner organizations upang masiguro ang sapat na nutrisyon ng mga kabataan.


Ayon kay PMSg Dante Desacula, R-PSB Team Leader, ang kanilang pakikiisa sa ganitong mga aktibidad ay bahagi ng kanilang adhikaing hindi lamang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, kundi maging katuwang ng pamahalaan at komunidad sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mga kabataan.
Ito ay isang matatag na patunay nang patuloy na presensya at suporta ng R-PSB sa mga makabuluhang programa para sa mga mamamayan.