Talakayan para sa Kinabukasan: laban kontra ipinagbabawal na gamot isinagawa sa ZamboSur
Matagumpay na naisagawa ang isang talakayan hinggil sa Republic Act 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ginanap sa Barangay Bulawan, Lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur nito lamang ika-2 ng Agosto 2025.
Pinagunahan ng Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jerwin SD Cagurin, Chief of Police ng Pagadian CPS, sa pakikiisa ng mga Barangay Officials, mga Purok Leaders, at SK Officers.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).
Layunin ng inisyatibong ito na palawakin ang kamalayan ng kabataan hinggil sa panganib na dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at isulong ang pagkakaroon ng isang komunidad na malaya sa droga.

