Symposium Activity, isinagawa sa Tubod NHS sa San Fernando, Cebu

0
viber_image_2025-08-08_15-26-24-136

Matagumpay na isinagawa ng San Fernando Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Michael C. Gingoyon, Acting Chief of Police, ang isang malawak at makabuluhang symposium sa mga mag-aaral sa Tubod National High School, Barangay Tubod, San Fernando, Cebu.

Ang aktibidad ay idinaos noong Agosto 7, 2025, alas-10:00 ng umaga kung saan tinalakay ng mga kapulisan ang usapin hinggil sa pag-iwas sa ipinagbabawal na droga, Anti-Rape Awareness, Anti-Harassment, at Youth Empowerment.

Layunin ng leksyon na bigyan ng sapat na kaalaman at kamalayan ang mga mag-aaral sa mahahalagang isyung panlipunan na direktang nakaaapekto sa kabataan at komunidad.

Binibigyang-diin dito ang paggawa ng tamang desisyon, pagpapanatili ng kaligtasan, at pagpapalakas ng pananagutan at pagiging mapagmatyag ng bawat isa.

Tinalakay sa programa ang masamang epekto ng droga sa kalusugan at kinabukasan, pati na ang mga paraan upang maiwasan ang iba pang krimen gaya na lamang ng rape at harassment.

Ibinahagi rin ang kahalagahan ng youth empowerment upang mahikayat ang mga kabataan na maging aktibong tagapagtaguyod ng kaayusan at positibong pagbabago sa kanilang komunidad.

Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Philippine National Police na isulong ang kaligtasan, edukasyon, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa paaralan at komunidad. Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, mas pinatatag ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan para sa isang ligtas, maunlad, at maayos na hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *