PNP Balete at CWL Balete Chapter, nagkaisa para sa kabataan sa Aklan
Isang makabuluhang halimbawa ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at ibang organisasyon para sa kapakanan ng kabataan ang isinagawa nito lamang ika-9 ng Agosto, 2025, bandang alas-9:00 ng umaga, sa Barangay Fulgencio, Balete, Aklan.
Ang pakikilahok sa Community Outreach Program na inorganisa ng Catholic Women’s League (CWL) Balete Chapter ay pinangunahan ng mga tauhan ng Balete Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLT Marife U Cipriano, Deputy Chief of Police, at sa pangangasiwa ni PCPT Donie F Magbanua, Acting Chief of Police.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng PNP at ng komunidad sa tulong ng CWL at ng Simbahang Katolika.
Nagkaroon ng maikling talakayan hinggil sa mga batas na may kinalaman sa mga bata at sa krimen, kabilang ang kahalagahan ng Emergency Hotline 911 para sa agarang pagtugon sa mga insidente.
Matapos nito, nagsagawa ng feeding activity at namahagi ng school supplies sa piling mag-aaral ng Fulgencio Norte Elementary School.
Naging mahalagang bahagi rin ng programa ang presensya at buong suporta ni Rev. Fr. Cesar Marin, Parish Priest ng St. Raphael Parish Church, na nagpahayag ng pasasalamat at paghikayat na ipagpatuloy ang ganitong uri ng kooperasyon.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PNP, CWL, at simbahan, naipapakita na ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ay susi sa pagtataguyod ng ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad para sa susunod na henerasyon.
Source: Balete MPS FB Page