“Capacity Enhancement Training on Traffic Law Enforcement & Road Safety Management”, inilunsad sa NegOr
Matagumpay na isinagawa ng Guihulngan CPS personnel sa pangunguna ni PLTCOL LIRIO C. CORAL, ACOP, ang Capacity Enhancement Training on Traffic Law Enforcement & Road Safety Management noong ika-20 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay ginanap sa Negros Oriental State University (NORSU) – Guihulngan Campus, Sitio Cadre, Brgy. Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental.
Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan (LGU) at Highway Patrol Group.
Tinalakay sa pagsasanay ang mahahalagang paksa gaya ng mga batayan ng batas trapiko at lokal na ordinansa, tamang proseso ng pagpapatupad at pag-isyu ng citation, pati na rin ang ethics, discipline, at ang mga pananagutan ng mga tagapagpatupad ng batas.
Kasama rin sa mga tinalakay ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng daloy ng trapiko at tamang pamamaraan sa pagkilala ng mga lumabag.
Layunin ng pagsasanay na mas lalo pang paigtingin ang road safety initiatives ng Guihulngan City sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga traffic officers upang mas epektibong maipatupad ang batas. Sa ganitong paraan, masisiguro ang disiplina at kaligtasan ng publiko sa mga kalsada.