BPATs ng Barangay Lanna, Enrile katuwang ng Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng Enrile, Cagayan
Muling pinatunayan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Lanna, Enrile, Cagayan ang kanilang kahalagahan bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad sa isinagawang road clearing operation, police visibility, at foot patrol nito lamang ika-23 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Enrile Police Station,sa pamumuno ni PSMS Arnel G Caranguian, FESAG PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office ang operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra kriminalidad.
Aktibong pakikibahagi ng BPATs na nagsilbing katuwang sa pagbabantay sa mga lansangan, pagtutok sa road obstructions, Ang presensiya nila ay naging mahalaga sa mabilis na pagkilos at pagbibigay impormasyon sa mga lugar na kailangang tutukan.
Ang kooperasyon ng BPAT ay patunay ng epektibong ugnayan ng pulisya at barangay sa ilalim ng Police Community Relations Program.
Sa Bagong Pilipinas, ang ganitong mga hakbang ay patunay na sa tulong ng BPAT at ng mamamayan sa mas ligtas, disiplinado, at maayos ang mga pamayanan.
Source: Enrile MPS