Linggo ng Kabataan 2025, idinaos sa Culasi, Antique
Sa pagsisimula ng Linggo ng Kabataan Celebration 2025, nanging makabuluhan ang aktibidad sa mahigpit na pagtutulungan ng iba’t-ibang organisasyon at kumunidad sa pangunguna ng mga tauhan ng Culasi Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Dominick C Parreño, Acting COP, mga miyembro ng kumonidad, at mga stakeholders.
Naging masigla ang naturang kick-off ceremony na isinagawa sa pamamagitan ng Color Fun Run at Zumba sa Plaza sa Barangay Poblacion, Culasi, Antique nito lamang ika-23 ng Agosto 2025.
Dinaluhan ito ng mga kabataan mula sa Culasi at iba’t ibang ahensya mula sa national at local government units.
Ipinakita ng naturang aktibidad ang matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng PNP, kabataan, at iba pang stakeholders.
Layunin ng programa na higit pang palakasin ang tiwala ng publiko sa kapulisan, palaganapin ang magandang imahe ng PNP, at isulong ang kolaborasyon upang hubugin ang kabataan sa pagiging responsable at may malasakit na lider.
Higit sa lahat, binibigyang-diin nito ang kakayahan ng kabataan bilang mga katuwang sa pagkakaroon ng positibong pagbabago sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, naipapakita ang tunay na diwa ng pagtutulungan ng kapulisan, kabataan, at iba’t ibang ahensya tungo sa mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na pamayanan.
Source: Culasi MPS FB Page