Livelihood Activity, isinagawa sa Indang, Cavite
Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Indang Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang ahensiya ang isang Livelihood Activity sa Brgy. Tambo Balagbag, Indang, Cavite nito lamang ika-21 ng Agosto, 2025.

Aktibong nakilahok ang KKDAT, women sector, mga opisyal ng barangay, at Army reservist na nagpakita ng iteres at nakibahagi sa bawat bahagi ng programa.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong magbigay ng dagdag kaalaman at kasanayan sa mga residente upang makatulong sa kanilang kabuhayan. Ito ay hindi lamang nagbigay ng dagdag kaalaman kundi naging simbolo rin ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng komunidad tungo sa mas maunlad at maayos na pamumuhay.