Project Love Youth Movement, umarangkada sa Barbaza, Antique

0
viber_image_2025-08-24_12-13-51-295

Isang makabuluhang pagtitipon ang idinaos sa Barbaza Evacuation Center sa ilalim ng Project Love Youth Movement (LYM), kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng lipunan, simbahan, pamahalaang lokal, at mga magulang upang maghatid ng inspirasyon, pag-asa, at pagkalinga sa kabataan, nito lamang Agosto 23, 2025.

‎Lumahok sa Family Day at Workshop ang mga kabataan mula sa Batch 1 (Hunyo 2024) at Batch 2 (Disyembre 2024) kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga.

‎Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pamilya at bigyan ng suporta ang mga kabataang nakaranas ng iba’t ibang suliranin tulad ng bullying, depresyon, at iba pang suliraning personal at panlipunan.

‎Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng kapulisan mula sa Barbaza MPS na si PEMS Christopher Mendoza, Deputy Chief of Police ng Barbaza Municipal Police Station, at PSSg Elmar Painaga, PCAD PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Allan S Alagos, OIC.

‎Pinatunayan nito ang patuloy na pagtutok ng kapulisan hindi lamang sa seguridad, kundi maging sa kapakanan ng mga kabataan.

‎Nakiisa rin ang mga katuwang na institusyon at lider ng komunidad na sina Pastor JC Herrera, Chairman ng Barbaza PNP Municipal Advisory Group, Dr. Barry Juanitas at ang buong RHU-Barbaza staff na nagbigay suporta sa aspeto ng kalusugan, Hon. Steve Ivan Palacios, SKMF President, LYDO Yong Managuit, katuwang sa programang pangkabataan, at si Hon. SB Member Emmanuel Andres, na nagsilbing panauhing tagapagsalita at nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok.

‎Ang Project LYM ay isang pinagsanib-puwersang inisyatibo ng Barbaza PNP Municipal Advisory Group, Barbaza Assembly of God, Barbaza PNP, RHU-Barbaza, LGU-Barbaza, at DepEd-Barbaza.

‎Ang kanilang pagtutulungan ay patunay na sa pagkakaisa ng pamahalaan, simbahan, at komunidad, mas nagiging epektibo ang pagbibigay ng tulong, paggabay, at malasakit para sa kabataan.

‎Source: Barbaza MPS FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *