Zumba, Fun Run at Clean-up Drive, pinangunahan ng SK at dinaluhan ng PNP sa Quirino, Ilocos Sur

0
viber_image_2025-08-24_14-18-08-962

Nakibahagi ang mga tauhan ng Quirino Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpt Tito B. Lawana Jr., OIC, sa isinagawang Zumba, Fun Run at Clean-Up Drive na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Angaki at Quirino, katuwang ang BFP Region 1 Quirino at mga kabataan ng Barangay Poblacion, Quirino, Ilocos Sur noong Agosto 24, 2025.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Linggo ng Kabataan Celebration na may temang “Local Youth Actions for the Sustainable Development Goals and Beyond.” Layunin nito na palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa makabuluhang programa para sa kalusugan, kalinisan, at pangangalaga sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, naipapakita rin ang matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP at komunidad. Pinatunayan ng mga lumahok na kapag nagsama-sama ang pamahalaan, kabataan at kapulisan, mas magiging matagumpay ang mga proyektong makatutulong hindi lamang sa kalinisan ng kapaligiran, kundi pati na rin sa pagkakaisa ng mamamayan.

Source: Quirino Municipal Police Station, Isur PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *