Awareness Lecture, isinakatuparan para sa mga kabataan sa San Andres, Catanduanes
Nakiisia ang Kapulisan ng San Andres Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ FRANCIS T TABO I, Chief of Police sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Awareness Lecture para sa mga kabataan ng Brgy. Yocti at Brgy. Agojo sa bayan ng San Andres, Catanduanes.
Bilang pagpapakita ng malasakit at pakikilahok sa mga aktibidad para sa kabataan, personal na nagbigay ng mensahe at mahahalagang paalala si PMAJ TABO I sa mga kabataan ng Brgy. Yocti.
Bago pa man magsimula ang kanyang talumpati, kinantahan niya ang mga dumalo na nagdulot ng kasiyahan at masiglang partisipasyon ng mga kabataan.

Samantala, sa parehong araw ay nagsagawa rin ng Awareness Lecture si PCpl Allan A. Supat para sa mga kabataan ng Brgy. Agojo.

Ang nasabing aktibidad ay patunay na ang kapulisan ng San Andres ay handang magsagawa ng iba’t ibang inisyatibo upang mas epektibong maabot at mapalapit sa mga kabataan.
Layunin din ng nasabing aktibidad na magbigay ng dagdag kaalaman ukol sa mga isyu at hamong kinakaharap ng kabataan, palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng kabataan, at hubugin pa ang kanilang kamalayan tungo sa pagiging responsable at mabuting mamamayan ng komunidad.
Source: San Andres MPS Catanduanes PPO