Iba’t ibang grupo, nakiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Tanauan, Leyte

0
viber_image_2025-08-25_16-31-28-101

Matagumpay na ginunita ng Local Government ng Tanuan ang Araw ng mga Bayani sa Rizal Monument, Tanauan Public Plaza, Tanuan Leyte nitong Lunes, ika-25 ng Agosto 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gina E. Merilo, Alkalde ng lalawigan kasama ang mga tauhan ng Tanauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Carmelo I Gacho, Officer-In-Charge, at dinaluhan ng iba’t ibang grupo kabilang na ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanauan Veterans Federation, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Tanauan.

Ang nasabing seremonya ay isinagawa upang parangalan at magbigay ng nararapat na pagkilala sa mga sakripisyo, pagkamakabayan, at kabayanihan ng ating mga pambansang bayani, at magbigay ng inspirasyon sa komunidad na patuloy na itaguyod ang mga pagpapahalaga ng nasyonalismo, pagkakaisa, at serbisyo sa bansa.

Ang alaala ng ating mga bayani ang nagsisilbing gabay upang patuloy nating mahalin, ipagtanggol at pagyamanin ang Inang Bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *