Joint Monthly Meeting para sa BADAC at BPOC members, idinaos sa Dalaguete, Cebu
Dumalo ang mga tauhan ng Dalaguete Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Kelvin Roy P. Mamaradlo, ACOP, sa isinagawang joint monthly meeting ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) sa Barangay Pañas, Dalaguete, Cebu, noong ika-24 ng Agosto 2025.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang iba’t ibang mahahalagang paksa tulad ng mga paghahanda para sa Barangay Drug Clearing, pagpapatupad ng Drug Awareness campaign, pagpapaigting ng mga hakbang kontra-terorismo, at pagbibigay ng crime prevention at safety tips sa mga residente.
Bukod dito, binigyang pansin din ang iba’t ibang isyu at alalahanin na inilahad ng mga miyembro ng konseho upang agad na matugunan ng barangay at kapulisan.
Layunin ng ganitong pagtitipon na palakasin ang ugnayan at koordinasyon ng barangay at PNP upang masiguro ang mapayapa, ligtas, at maayos na pamayanan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan, mas nagiging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa laban sa droga, kriminalidad, at iba pang banta sa seguridad ng komunidad.
Ipinapakita ng aktibidad na ito ang malasakit at dedikasyon ng kapulisan kasama ang mga barangay official sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Sa pakikipagtulungan ng BADAC, BPOC, at PNP, inaasahang mas mapapalakas ang kampanya para sa isang mas ligtas at mas maunlad na barangay.