BPATs Enhancement Training, isinagawa sa Baybay City
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Amguhan sa isinagawang enhancement training session sa Brgy. Amguhan Gymnasium, Baybay City, Leyte nito lamang Agosto 25, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng baybay City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Nerro M Hobrero, Chief of Police na dinaluhan ng mga BPATs ng nasabing barangay.
Kasama sa mga paksang tinalakay sa aktibidad ang pag-iwas sa crime prevention, detection, at apprehension.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong turuan ang mga BPAT sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad habang binibigyan sila ng mga kinakailangang kasanayan para sa pag-aresto at pagganap ng kanilang mga tungkulin nang maayos at epektibo.