Kabataan ng Barangay Masaya, bida sa KKDAT Lecture ng Pitogo PNP
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Pitogo Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PCpt Rodel D. Paloma, ACOP, ang isang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) lecture nitong Lunes, ika-25 ng Agosto 2025, sa Barangay Masaya, Pitogo.
Aktibong lumahok ang mga kabataan sa usapan at nagpakita ng kanilang kahandaan na maging responsableng mamamayan na magsusulong ng kapayapaan at kaligtasan sa kanilang komunidad.

Binigyang-diin din sa talakayan ang kahalagahan ng kabataan bilang katuwang sa paglikha ng drug-free environment at ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga community-based anti-drug programs at iba pang inisyatiba sa preventive education.
Layunin ng aktibidad na ipabatid sa kabataan ang mga sanhi at masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, gayundin ang mga panganib ng terorismo, bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at karahasan.
Source: Pitogo Municipal Police Station