KKDAT, aktibong nakibahagi sa talakayan sa Amulung, Cagayan

0
viber_image_2025-08-26_14-05-22-138

Aktibong nakibahagi sa mahalagang talakayan ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na ginanap sa Barangay Centro, Amulung, Cagayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan si PEMS Arnold Seloza, Patrol Supervisor PNCO ng Amulung Police Station, Cagayan Police Provincial Office. Kasama rin sa mga nakiisa sa naturang talakayan ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK), at mga opisyal ng Barangay sa nasabing lugar.

Ang nasabing lecture ay nakatuon sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan Day. Layunin nito na bigyang-kaalaman ang mga kabataan at opisyal ng barangay hinggil sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, gayundin ang responsibilidad ng bawat isa sa pagpigil at paglaban dito.

Patuloy ang aktibong partisipasyon at pagsisilbing inspirasyon ng KKDAT upang makalikha ng mas ligtas at mas maayos na komunidad, malayo sa banta ng ilegal na droga at terorismo.

Ang nasabing gawain ay malinaw na patunay na ang kabataan, kapag nabigyan ng tamang kaalaman at direksyon, ang maaasahang katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang komunidad.

Source: Amulung PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *