Mga doktor at medikal na grupo, pinangunahan ang tree planting activity sa Naguilian, La Union
Nagkaisa ang iba’t ibang samahan ng mga doktor at medical practitioners, sa pangunguna ni Dra. Allyn Pacio ng La Union Medical Society (LUMS), sa isang makabuluhang tree planting activity sa Sitio Nastor, Barangay Bancagan, Naguilian, La Union noong Agosto 24,2025.
Kasama sa pagtutulungan ang Philippine College of Physicians na pinamumunuan ni Dra. Jasmin Rabara, at ang ITRMC Department of Surgery sa pamumuno ni Dr. Alexander Quilatonat, katuwang din ang GBHFI-1 Ganap Guardians Rehiyon Uno, Bayan ng Basi Chapter.

Layunin ng aktibidad na protektahan at pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na siyang magiging pamana para sa susunod na henerasyon.

Nagbigay naman ng seguridad sa lugar ang Police Regional Office 1, sa pangunguna ni PBGen Dindo Regis Reyes, Regional Director, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 1 na pinamumunuan ni PCol Fidel DG Junio, at ang Technical Support Company sa pamumuno ni PMaj Reynante G. Bibat.
Ayon sa mga lumahok, ang proyekto ay isang patunay na ang mga doktor, guwardiya, at kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa kalusugan at seguridad ng tao, kundi maging sa kaligtasan at pangangalaga ng kalikasan.
Source: TSC RMFB UNO