Kabataan ng Morong, nakiisa sa Anti-Illegal Drug Awareness

0
537942944_752432800747063_1022268880052538357_n

Aktibong nakiisa ang grupo ng kabataan sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness Lecture sa Barangay Poblacion, Morong, Bataan nito lamang Agosto 25, 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Morong Municipal Police Station sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major Jonard E. Guevarra, Officer-In-Charge, ang pagtuturo sa mga kabataan sa isinagawang Linggo ng Kabataan 2025 na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng nasabing barangay.

Tinalakay sa programa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), kampanya kontra iligal na droga, at iba pang youth-centered advocacies na naglalayong magtaguyod ng kaligtasan, disiplina, at kamalayan sa komunidad.

Layunin nitong palakasin ang KKDAT bilang mahalagang plataporma upang bigyang-lakas at boses ang kabataan sa laban kontra droga, krimen, at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *