LGU Alilem, tumanggap ng 184 kahon ng relief goods mula sa ISECO at SMEC

0
viber_image_2025-08-28_13-21-32-966

Sa pangunguna ni Mayor Hon. Mar Ruel P. Sumabat, tinanggap ng Pamahalaang Lokal ng Alilem ang 184 na kahon ng relief goods mula sa Ilocos Sur Electric Cooperative (ISECO) katuwang ang San Miguel Energy Corporation (SMEC), isa sa mga power supplier ng kooperatiba noong Agosto 27, 2025.

Personal na inihatid ang nasabing ayuda nina ISECO Board President Graciano Cabagbag Jr., Vice President Myrna Irene Soriano, at Acting Sub-Area Manager Constancio Ramos. Ayon sa kanila, layunin ng inisyatibong ito na ipakita ang malasakit at suporta ng ISECO sa kanilang mga Member-Consumer-Owners (MCOs), lalo na sa panahon ng pangangailangan at pagsubok.

Bukod sa pamamahagi ng tulong, nagkaroon din ng pagkakataon ang pagbisita ni Mayor Sumabat upang mapag-usapan ang mga mahahalagang isyu at pangangailangan para sa ikauunlad ng electrification program sa bayan ng Alilem.

“Ang pagtutulungan ng LGU, ISECO, at SMEC ay patunay na sama-sama nating kayang isulong ang ligtas, maayos, at progresibong komunidad,” pahayag ng mga opisyal ng kooperatiba.

Patuloy na umaasa ang lokal na pamahalaan at ang kooperatiba na mas mapapalakas pa ang kanilang ugnayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Alilem.

Source: Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *