Mga estudyante ng Tagaytay City National High School, masiglang nakilahok sa Bisita Eskwela

0
viber_image_2025-08-28_13-46-58-165

Matagumpay ang isinagawang Bisita Eskwela ng mga tauhan ng Tagaytay City Component Police Station sa Tagaytay City National High School – Integrated Senior High School sa Barangay Mendez Crossing East, Tagaytay City nito lamang ika-27 ng Agosto, 2025.

Masiglang nakibahagi ang mga mag-aaral ng Grade 7 sa naturang paaralan. Ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang interes at aktibong partisipasyon sa talakayan, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng disiplina, tamang asal sa paaralan, at pag-iwas sa anumang uri ng karahasan at bisyo.

Nagbigay rin sila ng mga katanungan at opinyon na nagpapakita ng kanilang kamalayan at malasakit sa kapwa mag-aaral at sa kanilang kapaligiran. Ang dayalogo ay naging bukas na plataporma upang marinig ang boses ng kabataan at mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at ng mga estudyante.

Ang Bisita Eskwela ay bahagi ng pinaigting na programang pangkaayusan ng PNP na layong makiisa sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng mga kabataang mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *