Serbisyo Caravan, umarangkada sa La Castellana, Negros Occidental

0
viber_image_2025-08-28_12-17-03-614

Sa pangunguna ni PMAJ MELCHOR B PATNA-AN, Officer-In-Charge, aktibong nakibahagi ang La Castellana Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Covered Court ng Barangay Cabagna-an, La Castellana, Negros Occidental, nito lamang ika-27 ng Agosto 2025.

Ang makabuluhang aktibidad na ito ay naging simbolo ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang ihatid ang mga pangunahing serbisyo sa komunidad.

Kabilang sa mga katuwang na ahensya ang Department of Agriculture (DA) na nagbigay ng suporta at impormasyon para sa mga magsasaka, Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglatag ng mga programa para sa mas maayos na pamamahala sa barangay, at ang Department of Health (DOH) na nagsagawa ng libreng konsultasyon at blood pressure monitoring para sa kalusugan ng mamamayan.

Kasama rin ang Provincial Veterinary Office na naghatid ng serbisyong pang-beterinaryo para sa mga alagang hayop, at ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na nagbigay ng kaalaman ukol sa pangangalaga ng kalikasan.

Samantala, nakipagtulungan din ang Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kahandaan sa kalamidad, habang ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay nagpabatid ng kaalaman sa tamang pag-iwas at pagtugon sa sunog.

Hindi rin nagpahuli ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpakita ng suporta at pagkalinga sa mamamayan, kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan sa mga sibilyan.

Sa kabuuan, ang La Castellana MPS ay patuloy na nakipag-ugnayan sa mga residente, nakikinig sa kanilang mga hinaing, at nagbabahagi ng mga paalala para sa kaligtasan at crime prevention.

Ang matagumpay na Serbisyo Caravan ay naging malinaw na patunay ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng komunidad—isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na La Castellana.

Source: Nocppo La Castellana Mps FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *