Community Engagement, isinagawa sa Lapu-Lapu City

Nakibahagi ang mga tauhan ng Police Station 4 sa ilalim ng superbisyon ni PLT Rodrigo B. Inoc, OIC, PS4, LCPO, sa isinagawang Modified Mothercraft at Nutrition Class Culmination Day Graduation sa Barangay Marigondon, Lapu-Lapu City, noong ika-27 ng Agosto 2025.
Dinaluhan ito ng mga magulang at residente ng barangay bilang bahagi ng pagtataguyod ng kalusugan at wastong pag-aaruga sa mga bata.
Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga magulang at tagapag-alaga hinggil sa tamang nutrisyon at child development.
Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga pamilya na magkaroon ng sapat na kaalaman at gabay upang mapabuti ang kalusugan at kinabukasan ng kanilang mga anak.
Kasabay ng aktibidad, tiniyak din ng kapulisan ang pagbibigay ng iba’t ibang resources at suporta para sa komunidad.
Higit pa rito, naging bahagi ng programa ang pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng mga kampanya laban sa terorismo (NTF-ELCAC), kontra droga, at pagsuporta sa Drug Reduction Program.
Ipinaliwanag din ng kapulisan ang mga batas at adbokasiya gaya ng Anti-Bastos Law, VAWC, at NPCS, gayundin ang pagbabahagi ng mga crime prevention tips, safety tips, at station hotlines na maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan.
Sa pamamagitan ng ganitong Community Engagement, pinapatibay ng Police Station 4 ang kanilang hangarin na maging katuwang ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan.