Drug Awareness Lecture, isinagawa sa Naval NHS sa Biliran
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral na Grade 7 Junior High School ng Naval National High School sa isinagawang Drug Awareness Lecture sa Brgy. Larrazabal, Naval, Biliran nito lamang Agosto 27, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng local Government Unit ng Naval kasama ang mga tauhan ng Naval Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Sherwin Amando L Machiete, Chiof of Police.
Ang mga paksang tinalakay ay ang “Understanding Drug Pressures & How to Say No” at ang 911 National Emergency Hotline Number.
Layunin ng programa na mapalakas ang kaalaman ng mga kabataan upang makaiwas sa masasamang bisyo, matutong humindi sa peer pressure, at mamuhay nang malusog at malaya sa droga.